Sa Isang Salita: 'Ugnayan' ni Msgr. Noel
23 April 2024
 
Likas sa pag-ibig ang lumikha ng malalim na ugnayang hindi kayang buwagin ng anumang pagsubok. Ito ang ugnayan ng puso. Ang nagmamahalan ay nagkakaunawaan kahit walang salitang binibitawan. Sapat na ang presensya sa isa't isa.

Ganito ang kaugnayan kay Hesus ng kanyang mga alagad. Dahil nagkakaisa sa pag-ibig, hindi mahirap ang tumalima at manalig. "Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin."

Sa pakikinig at 'pagbabad' sa Kanyang Salita, higit nating makikilala ang ating Pastol. Maiiayon natin ang ating puso sa katwiran at kabutihan. Sa kabila ng mga ingay at tiwaling gawi sa lipunan, hindi tayo maliligaw dahil nakaugat ang ating puso sa kanyang mga aral.

*Martes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN