Sa Isang Salita: 'Humayo' ni Msgr. Noel
25 April 2024
 
"Go and proclaim." Ito ang puno at dulo ng pag-iral ng Simbahan. Mawawala sa pag-iral ang Simbahan kapag tumigil na ito sa kanyang misyong mangaral at magpahayag. "It is not the Church that has a mission; it is the mission which has a Church."

Subalit ang misyon ay hindi lang pagtungo sa ibang lugar. Ito ay pagpasok sa mundo ng ating kapwa. Upang ang ating Simbahan ay maging kapani-paniwala, dapat itong pumasok sa mundo ng karalitaan. "Mission is to be tied up not only with geographic space but also with human space," ani Cardinal Tagle.

Kung paano pumasok ang Diyos sa ating abang katatayuan, tinatawag din tayong tumungo sa mga pook kung saan nangangailangang iparanas sa kapwa ang mensahe ng kaligtasan. Dapat nating tuklasin ang mga bagong hangganan ng ebanghelisasyon.

Taliwas sa diwa ng misyon ang sabihin, “ganito na ang ginagawa namin noon pa man…”. Ang hamon ni Papa Francisco, “I invite everyone to be bold and creative in this task of rethinking the goals, structures, style and methods of evangelization in their respective communities.” (EG 33).

Kapag hindi tayo nagbago ng paraan, gawi at kalakaran, huwag nating asahan na lalago ang buhay at misyon ng Simbahan.

*Kapistahan ni San Marcos, Manunulat ng Mabuting Balita

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN