 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Personal' ni Msgr. Noel |
| 28 April 2024 |
| |
|
"Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga." Makahulugan ang pagsasalarawang ginawa ni Hesus sa kaugnayang dapat taglayin ng mga alagad niya. Ang pananampalataya ay hindi lang paniniwala sa doktrina, kundi personal na relasyon kay Kristo.
Sabi nga ni Papa Benedicto: Our faith's "central formula is not ‘I believe in something,’ but ‘I believe in you.’ It is the encounter with the man Jesus... who grounds and enables transformed human existence."
Batay sa pagsasalarawan sa ebanghelyo, ang buhay ng isang binyagang Kristiyano ay dapat kakitaan ng Katapatan, Pamumunga at Kagalakan:
* Faithful. Ang tunay na Kristiyano ay nananatiling nakakapit kay Hesus. Dumadaloy ang buhay mula sa puno patungo sa sanga. Ang ating buhay ay nakasalalay sa matalik na kaugnayan kay Hesus. Subalit ang pagiging "kaugnay" ni Hesus ay dapat patunayan sa pamamagitan ng ating katapatan sa kanyang Salita.
* Fruitful. Tanging ang sangang nakakapit sa puno ang mamumunga nang sagana. Gayundin naman, ang Kristiyanong nanghahawakan sa kapangyarihan ng Diyos ang magtataglay ng hitik, siksik at nag-uumapaw na pagpapala. Makikita ang bunga nito sa pagbabahagi sa kapwa. "Faith without charity does not bear fruit."
Pinuputulan ang mga sanga upang lalong lumago at mamunga. Sa buhay, dinadalisay ang ating hangarin sa pagdanas ng mga pagsubok at krisis. Kailangan nating para sa kapwa ang magsakripisyo upang lumago sa pagkatao.
* Joyful. Isang buhay na ganap at kasiya-siya ang hinahangad ng Diyos sa atin. "A sad Christian is a contradiction in terms," sabi ni Papa Francisco. Subalit ang tunay na kagalakan ay makakamtan natin kung tayo ay mananatiling nakadikit sa Diyos at nagbibigay ng saganang bunga sa ating paglilingkod. “Being Christian is not the result of an ethical choice or a lofty idea, but the encounter with an event, a person, which gives life a new horizon and a decisive direction" (Pope Benedict XVI)
*Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|