 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Fiesta' ni Msgr. Noel |
| 01 May 2024 |
| |
|
Makulay ang buwan ng Mayo sa mga Pilipino. Ito ang panahon ng pasasalamat sa masaganang ani at produktong galing sa pagsasaka. Ito ang dahilan kung bakit maraming kapistahan, tulad ng Flores de Maria at San Isidro, ay ipinagdiriwang tuwing Mayo.
Ang mga pagdiriwang nating mga Kristiyano ay kaugnay ng siklo ng kalikasan. Ang mga pangunahing elementong ginagamit sa liturhiya at sakramento ay "mula sa lupa at bunga ng ating paggawa." Ito ay isang paalaala na tayo'y di maaring mabuhay kung hindi dahil sa regalo ng kalikasan.
Sa panahong ito ng nagbabagong klima at umiinit na daigdig, nanganganib maputol ang kaugnayan ng tao sa kalikasan. Ayon kay Al Gore, "we live in an era of consequences." Iniuugnay ng mga scientist ang paglitaw mga bagong sakit sa pagkawala ng balanse sa ating ecosystem.
Inaani ng ating henerasyon ang bunga ng ating pag-abuso sa likas na yaman na bigay ng Diyos. Maraming sakahan ang nawala para magbigay daan sa industriya at sa ngalan ng huwad na pag-unlad. Ang ating lalawigan ng Quezon, na kilala bilang coco palm province, ay patuloy na nawawalan ng itinuturing na 'tree of life' dahil sa quarry at pamumutol ng puno.
Ano ang panlipunang turo ng Simbahan? Ang pag-unlad ay di lamang sa kabuhayan at sa pagdami ng salapi. "Economic advance is not the same as human progress." Ang sostenableng pag-unlad ay hindi dapat makasira sa kalusugan ng tao at ng ating ugnayan sa kalikasan.
Sa unang araw ng Mayo, pagnilayan kung hanggang saan tayo naging bahagi ng pagkasira ng ating tanging tahanan dahil sa pagsasawalang-kibo at kawalan ng malasakit.
Tulad ni San Jose na naging tagapagtanggol ng Banal na Mag-anak, tayo nawa'y maging tagapagtanggol ng ating ‘tanging tahanan’ sa banta ng mga makabagong Herodes na nagtatangkang sirain ang kalikasan dahil sa personal na interes at makasariling paghahangad sa kapangyarihan.
"Sooner or later, we will have to recognise that the Earth has rights, too, to live without pollution. What mankind must know is that human beings cannot live without Mother Earth, but the planet can live without humans." - Evo Morales
*Mayo 1, Kapistahan ni San Jose Manggagawa |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|