Share the Thought by Msgr. Andro
17 May 2024
 
Kahit 60 na, ako ay malakas pa. Paano kaya kung dumating na ang panahong sinabi ni Jesus na "iba na ang magbibihis sa akin at dadalhin ako kung saan hindi ko ibig?" Talagang darating iyon at dapat kong paghandaan. May tinatawag na "gracious aging" o " gracious growing old." Malaki ang nagagawa ng positibong saloobin. Una ay ang pagtanggap. Tunay na hindi tayo malakas habang buhay. Kinakailangan din ang kahinahunan. Sino ang magtitiyagang mag-alaga sa atin kung tayo ay masungit?

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN