 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 19 May 2024 |
| |
|
|
Kapag may hangin ay may hininga. Kapag humihinga ay may buhay. Ang salitang "Espiritu" na sa katunog na wikang Latin ay "Spiritus" ay "pneuma" sa wikang Griego. Ang ibig sabihin ay "hangin o hininga." Hiningahan ni Jesus ang mga alagad at sumakanila ang Banal na Espiritu, ang Buhay. Dating "patay" sa kasalanan, sila ay pinatawad at binuhay. Ito ang buhay na taglay natin simula pa nang tayo ay binyagan. Dapat tayo ay buhay na buhay sa pananampalataya at kabanalan. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|