 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Epal' ni Msgr. Noel |
| 21 May 2024 |
| |
|
"To be unknown is to be unloved." Ito ang isa sa maling paniniwala ng mga tao sa ating panahon. Lahat ay nagpipilit na maging sikat at kilala. "Broadcast yourself," sabi ng isang social media platform.
Para sa ilan, popularidad ang sukatan ng pagtanggap at pagmamahal ng lipunan. Umuso tuloy ang salitang 'epal' na ang kahulugan ay mahilig pumapel, pabida at suki ng tarpaulin ang mukha.
Sa ganitong kaisipan, ang kadakilaan ng tao at halaga ng kanyang ginagawa ay nakabatay lang sa popularidad at pagtanggap ng publiko.
Subalit taliwas ito sa pamantayan ng ebanghelyo. Ang pagkilos ng Diyos ay laging nagaganap nang lihim. Ang kanyang ganap na pagpapahayag ay nakakubli sa kababaang loob ng sabsaban at kalbaryo.
Sino ang pinakadakila? Sabi ni Hesus, ang tumulad sa isang bata - na itinuturing na walang halaga at di kinikilala ng mundo - ang pinakadakila sa kaharian ng Diyos. "Ang sinumang nais maging dakila ay dapat maging huli sa lahat at lingkod ng lahat."
*Martes sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|