Share the Thought by Msgr. Andro
21 May 2024
 
Sino ang dakila? Sa pamantayan ng mundo, ang dakila ay yaong sikat, kinikilala, makapangyarihan at mariwasa. Iba ang pananaw ni Cristo. Para sa kanya, ang dakila ay ang mababang-loob, ang naglilingkod sa iba. Angkop namang maggawad ng parangal sa mga nagwagi sa paligsahan, nanguna sa pagsusulit at naging tanyag sa bayan. Ngunit huwag sanang makalimutan ang mga kawal, mga tsuper, mga mangingisda, mga naglilingkod sa pagamutan atbp. Nagbubuwis sila ng buhay. Tunay na sila ay dakila.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN