Sa Isang Salita: 'Kakampi' ni Msgr. Noel
22 May 2024
 
Iisa ang nasa puso at isipan ng mga taong may pananalig. Magkakahiwalay man sila ng angkan o lugar na pinagmulan, nagkakaisa sila sa pagtataguyod ng kabutihan. Magkakaiba man sila ng grupong kinaaaniban, hindi nagkakalayo ang kanilang paninindigan sa panig ng katwiran at katarungan.

Nang ibalita ng mga alagad kay Hesus na may mga taong di nila kasamahan pero nagpapalayas ng demonyo sa Kanyang ngalan, sinabi ni Hesus sa kanila: "ang hindi laban sa atin ay panig sa atin." Walang sinuman ang may monopoliya sa biyaya ng langit. Lahat ay pinagkalooban ng pagkakataong gumawa ng kabutihan. Kakampi ng Diyos ang lahat ng nagtatrabaho para sa katwiran.

Ani Elie Wiesel, isang Jewish survivor ng holocaust, "Are you still content not to choose sides since you are not affected anyway?...Are you a liberator in God's dream or an accomplice against it?"

Walang neutral na lugar sa ating lipunan. Sa ating mga ginagawang desisyon araw-araw, nasisiwalat kung tayo ay kumakampi sa dilim o sa liwanag.

Nawa'y piliin natin ang panig ng kabutihan at katwiran.

*Miyerkules sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN