Share the Thought by Msgr. Andro
23 May 2024
 
Paring walang hanggan. Iyan si Cristo. Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang kanyang pagkapari. Siya ang naghandog ng Tinapay at Alak. Minsan lamang at para sa lahat. Sa gayo'y ipinagkasundo niya tayo sa Diyos Ama. Nagawa niya iyon sapagkat Diyos din siya at makalalapit sa Diyos. Tao rin siya at maaaring kumatawan sa sangkatauhan. Salamat at mayroon tayong Tagapamagitan, si Jesus, ang Pari magpakailan man.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN