Sa Isang Salita: 'Bale-wala' ni Msgr. Noel
25 May 2024
 
Minamahal ng Diyos ang mga binabale-wala ng mundo. Sa puso ng Diyos, may puwang ang mga maliliit at hamak. Sa ebanghelyo, itinanghal ni Hesus ang isang bata bilang huwaran ng marapat mapabilang sa Paghahari ng Diyos.

May espesyal na pagtatangi ang Diyos sa mga bata, simbolo ng mga aba at mahihina sa lipunan. Kinalulugdan sila ng Diyos dahil, sa kanilang puso, laging may puwang ang iba. Alam nila na hindi sila kumpleto. Kailangan nila ang tulong ng Diyos at ng kanilang kapwa.

Sabi ng isang teologo, kung nais nating maintindihan ang kahulugan ng Misa, dapat nating unawain ang mga salu-salong dinaluhan ni Hesus. Nakisalo siya sa hapag ng mga makasalanan at mga binabale-wala sa lipunan. Ito rin ang tawag at misyon natin bilang isang sambayanang eukaristiko.

"Jesus never says to the poor: 'come find the church,' but He says to those of us in the church: 'go into the world and find the poor, hungry, imprisoned, homeless...' (Tony Campola)

*Sabado sa Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN