 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 27 May 2024 |
| |
|
|
Isang malakas na bagyo lang, pwedeng masira ang ari-arian. Bakit nga ba tayo papaalipin sa salapi? Kawawa ang lalaking kausap ni Jesus. Hindi niya kayang talikuran ang kayamanan upang ipamahagi sa mga dukha. Siya mismo ay dukha sa pag- ibig. Habang nananalasa ang bagyong si Aghon ay talastasin nating walang kayamanang makalupa na magtatagal. Iisa lamang kayamanan ang dapat nating paglaanan, ang yamang makalangit. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|