Sa Isang Salita: 'Makitid' ni Msgr. Noel
01 June 2024
 
Nakakaawa ang mga taong makitid ang isip. Nagiging bilanggo sila sa kanilang maling paniniwala. Iniiwasan nila ang okasyon para matuklasan ang katotohanan. Humahanap sila ng lusot upang maipatanggol ang kinamihasnang gawi at kaisipan.

Ganito ang kapalarang sinapit ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng bayan. Tumanggi silang harapin ang katotohanan. Naging sarado ang kanilang puso sa biyaya ng kaligtasan. Tinalikdan nila ang pagkakataon para magpanibago.

Ang katigasan ng puso ay kailangang basagin ng tapat na pagsisisi. Sa ating pagbabalik-loob, nakakalaya tayo sa piitan ng pagkukunwari at kapalaluan. Mabubuksan ang ating isip sa mas malawak na pag-unawa sa katotohanan.

*Sabado sa Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN