Share the Thought by Msgr. Andro
05 June 2024
 
Isang dalawa. Dalawang isa. Ganito maaaring ilarawan ang pag-ibig na binabanggit sa ebanghelyo. Pinagsama ang Dt. 6:4-5 at Lev 19:18 upang tukuyin ang iisang pag-ibig na nagsanga sa dalawa: para sa Diyos at para sa kapwa. Ang totoo, dalawa nga ang sanga ng pag-ibig ngunit iisa naman ang puno. Huwag na tayong magbilang. Huwag na rin magtalo kung alin ang pinakamahalaga. Pareho nating ibigin ang Panginoon at ang kapwa. Sapat na 'yon.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN