 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Moral' ni Msgr. Noel |
| 06 June 2024 |
| |
|
Sabi ni Papa Francisco: "kapag bumabagsak ang inilagak nating puhunan sa banko, itinuturing nating trahedya. Subalit kapag may mga taong namamatay sa gutom, walang makain o nagdurusa dahil sa karamdaman, hindi tayo nababahala. Ito ang krisis sa ating panahon."
Sa ebanghelyo, ipinakita ni Hesus ang matalik na kaugnayan ng relihiyon sa moralidad; ng tamang pagsamba sa kawanggawa.
Napakaangkop ng mensahe ito sa panahon ngayon. Dahil sa dami ng taong nagdaranas ng paghihirap, namimihasa na tayo sa sitwasyon na ang mga nasa laylayan ay nakakaligtaan. "We are a society which has forgotten how to weep, how to experience compassion," anang Santo Papa. Humaharap tayo hindi lang sa krisis sa ekonomiya, kundi sa isang krisis moral.
Ang pag-ibig sa Diyos ay kailangan nating maipahayag sa kongkretong pagdamay sa nangangailangan. Sa ating pagmamalasakit sa iba, nagkakaroon ng saysay ang haing dinadala natin sa altar ng pagsamba.
*Huwebes sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|