 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Malinis' ni Msgr. Noel |
| 08 June 2024 |
| |
|
Magkaugnay ang kahulugan ng maging 'dukha' at maging 'malinis' sa biblia. Sa karukhaan, ipinapahayag ng isang tao na Diyos lamang ang kanyang tanging yaman. Hindi siya nanghahawakan sa salapi at ari-arian.
Sa kalinisan, inilalaan ng isang tao ang kanyang buong buhay sa Diyos. Walang kahati ang kanyang buhay sa paglilingkod. Maging ang yaman ay hindi kayang agawin ang kanyang puso.
Taglay ng Mahal na Birhen ang halimbawa ng kalinisan. Si Hesus lamang ang kanyang tanging yaman. Walang kaagaw ang Diyos sa kanyang puso. Sa kanyang paghahanap sa batang si Hesus sa templo, ipinahayag niya ang lalim at lawak ng kanyang paghahangad.
Tanging Diyos lamang ang kaganapan ng lahat ng ating inaasam. Nagtatagpo ang kalinisan at katapatan sa buhay ng isang nananalig. Hindi nahahati ang kanyang puso sapagkat ito'y "para sa Diyos lamang at para sa Diyos lagi."
*Kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria, Sabado pagkatapos ng Kapistahan ng Mahal na Puso ni Hesus |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|