 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Ilaw' ni Msgr. Noel |
| 11 June 2024 |
| |
|
Ang mabuting tao ay parang 'stained glass' ng simbahan. Kapag nagsimula nang dumilim ang gabi, mas lumilitaw ang ganda nito dahil may liwanag itong nagmumula sa loob.
Sinabi sa ebanghelyo, kayo ang 'asin at ilaw' ng sanlibutan. Sa gitna ng laganap na karimlan sa lipunan, tungkulin ng bawat Kristiyano ang magbigay ng liwanag. Sa mga taong nawawalan na ng lasa sa mga bagay tungkol sa Diyos, tinatawag tayong maging 'asin' na magpapasidhi sa kanilang pagkauhaw sa bagay na makalangit.
Wika ni Papa Emerito Benedicto XVI, "the more Christians are different from the world, the more they become relevant to it." Kung ang ating gawi at pagpapahalaga ay umaayon din lamang sa kalakaran ng mundo, paano tayo magiging mabisang saksi sa ebanghelyo ni Kristo?
Dapat nating igiit ang pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano. Hindi dapat ikahiya ang paggawa ng mabuti. "Kung magkagayon, sisikat ang liwanag sa inyo, at kayo’y matutulad sa bukang-liwayway..."
*Martes sa Ikasampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|