Share the Thought by Msgr. Andro
12 June 2024
 
Sino ang dakila sa Kaharian ng Diyos? May tugon si Jesus sa ebanghelyo ngayon. Ang "gumaganap ng Kautusan ng Diyos at nagtuturo sa iba na tuparin iyon" ay ituturing na mga dakila. Bakit sila dadakilain? Ang dahilan ay sapagkat kaisa nila ang Diyos -- kadiwa, kakampi, kapanalig. Sa pagiging masunurin sa utos ng Diyos, maaari tayong maging "kamukha" niya. Dakila ang Diyos. "Kahati" tayo.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN