Sa Isang Salita: 'Hiwaga' ni Msgr. Noel
16 June 2024
 
Hindi dapat pagsawaan ang paggawa ng mabuti. Gaano man ito kaliit o kasimple, ito ang pinagmumulan ng malaking pagbabago sa buhay at sa lipunan.

Ganito ang paghahari ng Diyos. Ang butil ng mustasa ay mahiwagang tumutubo at lumalago upang maging malabay na puno. Gaano man kaunti, ang lebadura ay nagpapaalsa ng buong masa ng harina.

Ang Diyos ay lihim na kumikilos sa puso ng tao. Dito nagsisimula ang kanyang paghahari. Ang tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng ating mga nagawa, kundi sa laki ng pag-ibig na kalakip ng bawat pagpupunyagi at pagsisikap.

Huwag tayong manghinawang abutin ang mga pangarap. Ang bukas ay nagsisimula na ngayon. Maaaring hindi tayo umabot sa panahon ng pag-aani, pero ang mahalaga ay naging bahagi tayo ng pagpupunla ng binhi ng kaganapan nito.

*Ikalabing isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN