 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Biktima' ni Msgr. Noel |
| 21 June 2024 |
| |
|
Ang labis na pagmamahal sa yaman ay nakamamatay. "The tragedy of materialism is the death of the materialistic." Ang may-ari ay nagiging alipin. Ang yaman ay nagiging diyos.
Pinapatay ng kasakiman ang ating espiritu. Sinisira ang ating mga pagpapahalaga at prinsipyo. Nagkakakalyo ang budhi. Kumakapal ang mukha. Isinasakripisyo ang tao at kalikasan sa altar ng salapi.
Sa pagkalulong sa labis na paghahangad, ang may-ari ay nagiging biktima ng kanyang pag-aari. Nilalamon ng kapangyarihan ng salapi ang kanyang panahon, kamalayan, isipan at maging ang kanyang relasyon sa kapwa.
Piliin natin ang Diyos. Malaya ang sinumang taong nagpapasya para sa Kanya.
Walang puwang sa puso ng nananalig ang pagkabalisa sa pagkakamal ng yamang lumilipas. "Sapagkat kung nasaan ang iyong yaman, naroon din ang iyong puso."
*Biyernes sa Ikalabing-isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|