 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 22 June 2024 |
| |
|
|
Marami tayong kinatatakutan sa isip na di naman nangyayari. Ang ilang tao ay namatay dahil sa nerbiyos at hindi dahil sa mismong sakunang inisip. Huwag mabahala. Ito ang mensahe ng ebanghelyo. Inaalagaan ng Diyos ang mga ibon sa himpapawid at mga bulaklak sa parang. Higit tayong mahalaga kaysa sa mga iyon. Huwag ikabahala ang para sa araw ng bukas. Sabi ni Padre Pio,"Manalangin. Umasa. Huwag mabalisa." |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|