 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pananalig' ni Msgr. Noel |
| 03 July 2024 |
| |
|
Higit na kilala si Sto. Tomas sa pagdududa kaysa sa pananalig. Ayaw niyang maniwala na ang Kristong muling nabuhay ang nagpakita sa mga alagad. Wika niya, "hindi ako maniniwala hangga't di ko nakikita ang mga butas sa Kanyang mga kamay..."
Subalit ang hindi nababatid ng marami, si Tomas ang nagpahayag ng pinakamalalim na pananampalataya kay Hesus. Noong muling magpakita si Hesus sa mga alagad, sinabi ni Tomas: "Panginoon (Kyrios) ko at Diyos (Theos) ko." Ang mga katagang ito sa Lumang Tipan ay katumbas ng pangalang iniaangkop lang sa Diyos.
Isinatinig ni Tomas ang pananalig ng unang Simbahan. Tulad din tayo ni Tomas. Ang pananampalataya ay isang paglalakbay, isang proseso ng buhay. Di agad ito lubos at perpekto. Nagsisimula ito sa di-ganap na pagkilala kay Hesus hanggang lumago tayo sa patuloy na pakikipag-ugnay sa Kanya sa araw-araw.
*Hulyo 3, Kapistahan ni Santo Tomas Apostol |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|