Share the Thought by Msgr. Andro
06 July 2024
 
Evangelii Gaudium. Ito ang ating palitawin -- ang Galak ng Ebanghelyo. Nililinaw ni Jesus na ang Cristianismo ay Relihiyong may kagalakan. Walang puwang ang malungkot na pag-aayuno sa piling ng lalaking ikinasal na dili iba't ang Panginoon. Umaawit tayo ng "Ang buhay ng Cristiano ay masayang tunay." Ipakita natin ito sa buhay. Ngitian natin ang mga pagsubok. May galak ang ebanghelyo. Ebanghelyo mismo ang kagalakan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN