Share the Thought by Msgr. Andro
10 July 2024
 
Nagmisyon na'y nagdusa pa. Ganyan ang sinapit ng mga apostol. Hinirang sila upang mangaral. Inihatid nila ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos. Gayunman, sila ay pinahirapan. Ipinakong pabaliktad si San Pedro. Pinugutan ng ulo at binalatan si San Bartolome. Sinibat si Santiago. Masakit din ang sinapit ng iba pa. Kapag nagtatanong ka kung bakit krus ang iyong gantimpala, balikan mo ang buhay at kamatayan ng mga apostol.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN