 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Excess Baggage' ni Msgr. Noel |
| 14 July 2024 |
| |
|
Madali raw makilala ang mga pinoy kapag nasa airport ka: sila yung maraming dala-dalahan! Mahilig tayong magbitbit ng bagahe, pasalubong man o pansariling kagamitan. Kapag magbibiyahe, gusto nating lahat ay dala, hangga't kaya.
May matutuhan tayo sa sinabi ni Kristo sa ebanghelyo. "Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala nang anuman..." Sa buhay man o sa misyon, mahirap ang maraming bagahe:
- adiksyon sa materyal bagay: di lang ito sagabal sa paglalakbay, nagiging sanhi rin ng distraksyon at nakakawala ng tamang prioridad. Ang isang kristiyano ay dapat manghawakan sa biyaya ng Diyos at hindi sa kanyang pag-aari.
- attachment sa relasyon: walang anumang ugnayan ang maaaring pumalit sa relasyon sa Diyos. Tinuturuan tayo ng ebanghelyo na maging malaya ang puso. Kapag inuna natin ang Diyos, lahat ng ugnayan ay malalagay sa ayos.
- galit at poot na bagahe ng buhay: "pagpagin ninyo ang mga alikabok sa inyong mga paa..." mabigat na dalahin ang 'emotional baggage.' Sabi nga, maiksi buhay para gugulin lamang sa sama ng loob at hinanakit. Madaling magpatotoo ang taong bukas ang puso sa pagpapatawad.
Anong mga 'excess baggage' sa ating buhay ang dapat na nating bitawan at iwaksi?
*Ikalabing Limang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|