Share the Thought by Msgr. Andro
14 July 2024
 
Sabi nila'y "two heads are better than one." Kaya pala, dala-dalawa nang isugo ni Jesus ang mga apostol. May iba pang dahilan. Kailangan ang patotoo ng dalawang saksi (Dt. 19:15). Walang magpapatunay kapag nag-iisa. Bukod dito, ipinakikita ni San Marcos na ang misyon ay may aspetong "communitarian." Sa Simbahan ay hindi pwede ang "solo flight." Kahit nga ibon ay may dalawang pakpak. "Partners" tayo sa misyon. Mas maraming magagawa. Mas madali ang gawain.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN