Sa Isang Salita: 'Pinagpala' ni Msgr. Noel
16 July 2024
 
Ang pinagkalooban ng maraming biyaya ay hihingan ng katumbas na pagtugon. "From everyone to whom much has been given, much will be required..."

Maraming pagpapalang tinanggap ang mga tao sa lugar na binanggit ni Hesus sa ebanghelyo. Ang Capernaum ay ang kanyang sariling bayan; sa Betsaida naman naganap ang pagpaparami ng tinapay, at Corazin ang lugar kung saan naroon ang luklukan ni Moises.

Sa kabila ng lahat, ang mga naninirahan sa mga lugar na ito ay hindi tumugon sa panawagan ng pagbabalik-loob. Hindi sila naging mabuting katiwala ng mga biyayang kanilang tinatamasa.

Kaakibat ng malaking pribilehiyo ang mabigat na pananagutan. Hihingan ng marami ang binigyan ng marami.

Bilangin natin ang ating mga pagpapala. Paano natin ibinabalik ang mga ito sa Diyos sa anyo ng paglilingkod sa iba?

*Martes sa Ikalabing-limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN