Sa Isang Salita: 'Ginhawa' ni Msgr. Noel
18 July 2024
 
Hindi madaling magtrabaho nang napipilitan lamang. Subalit kung bukal sa loob at may halong pagmamahal, anumang hirap ng gawain ay gumagaan.

Wika ni Hesus, "Lumapit kayo sa akin, kayong mga nabibigatan sa inyong mga pasanin at kayo ay aking pagiginhawahin..." Hindi si Hesus nangangako ng madaling buhay. Sa katunayan, malaking sakripisyo ang hinihingi ng pagsunod sa kanya.

Ngunit ang lahat ng ito ay magiging magaan kung laging may kalakip na pagmamahal. Ang kristiyano ay hindi alipin ng batas, ni hindi siya naglilingkod sa ibang panginoon. Malaya ang kanyang puso para sa Diyos. Dahil dito, magaan ang 'pamatok' ng buhay ng pagsunod.

Kahit mahirap ang buhay, kapag may Diyos na pinag-aalayan, ang lahat ng pasanin ay gumagaan. /mnv/

*Huwebes sa Ikalabing-limang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN