Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
21 July 2024
 
"Huwag ninyong sambahin ang trabaho," paalaala ni Cardinal Tagle. Sabi niya, sa labis na paggawa, nagiging alipin tayo ng paghahangad at ginagawa nating diyos ang trabaho.

Ang pahinga ay bahagi ng kabanalan. Sa tuwing tayo ay nangingilin, kinikilala natin Diyos bilang simula at hantungan ng ating paggawa. Walang kabuluhan ang pagpapagal sa mundo kung sa dakong huli, hindi tayo hahantong sa kapahingahan sa Diyos.

*Ikalabing anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN