 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Dahilan' ni Msgr. Noel |
| 15 May 2020 |
| |
|
Puwede bang iutos ang pag-ibig? Subalit ito mismo ang tagubilin ni Hesus: "Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo."
May saysay ba ang buhay sa labas ng pag-ibig? May kahulugan ba ang buhay kung walang pagmamahal? Ipinaalaala ni Papa San Juan Pablo II, noong dumalaw siya sa Pilipinas noong 1995: "Love is our origin, love is our constant calling, love is our destiny."
Pag-ibig ang dahilan ng ating pag-iral. Ito ang kaganapan ng buhay. Sa isang tagasunod ni Kristo: to love is to live.
Sa pagkamakasarili, pinipili ng tao ang kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit iniutos ni Kristo ang pag-ibig. Sa paglilingkod sa kapwa, namamayani sa atin ang diwang maka-Diyos. Tinatahak natin ang daan tungo sa buhay.
*Biyernes sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|