Share the Thought by Msgr. Andro
26 July 2024
 
Maganda ang pakiramdam kapag ang dasal ay napakinggan. Magandang magdasal kay Sta. Ana dahil mayroon siyang sorpresa. Sa panalangin niya ay nakikinig ang kanyang apong si Jesus. Sa ebanghelyo ay winika ng Panginoon, "Mapapalad ang mga tayngang nakaririnig..." Totoo, palaging nakikinig ang Panginoon sa panalangin ninuman. Hindi man niya ipagkaloob ang kahilingan, siya ay nakikinig pa rin. Iparirinig ni Lola Sta. Ana kay Jesus ang ating mga tinig.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN