Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
27 July 2024
 
Ang buhay ay lugar ng pagtutunggali ng kasamaan at kabutihan. May pagkakataong akala natin ay nagtatagumpay ang kasamaan. Subalit sa wakas, ang mamamayani ay Diyos ng katarungan. Ihihiwalay niya ang masamang damo sa triguhan.

Hindi tayo dapat panghinaan ng loob sa pagtataguyod ng kabutihan. Kahit na nasa panig ng kalaban ang pwersa ng salapi at kapangyarihan, hindi kayang patayin ng anumang sandata ang kabutihan.

*Sabado sa ikalabing anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN