Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
28 July 2024
 
May natira at "lumabis pa ng 12 bakol." Hindi lang tinapay ang pinarami ni Hesus. Dumami rin ang nagmagandang-loob. Tunay na nakakahawa ang pagkamapagbigay.

Kung ang nanaig ay pagkamakasarili, kahit anong dami ng tinapay at isda, hindi ito magkakasya. Marami ang magbabalot, at ang iba ay magtatago ng para sa sarili. "Kayang tustusan ng mundo ang ating pangangailangan, ngunit hindi ating kasakiman."

Kulang ang himala ng tinapay kung walang pagbabago ng puso.

*Ikalabing pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN