 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 04 August 2024 |
| |
|
Mababaw ang ating kaligayahan. Mababà ang pamantayan ng ating mga paghahangad. Di iilan ang nagnanasang magkamal ng pera at kapangyarihan sa pag-aakalang ito ang pupuno sa hungkag nilang buhay.
Subalit kaylanman ay hindi kayang busugin ng mga bagay na makalupa ang ating puso na nilikha para sa mga makalangit na pagpapala.
Ipinahayag ng propeta ang malalim na paghahangad ng Diyos: “Namumuhi ako sa inyong mga handaan, hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na pagtitipon. Tigilan na ninyo ang maiingay na awitan; ayoko nang marinig ang inyong mga alpa. Sa halip ay padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis" (Amos 5: 21, 23-24).
*Ikalabing walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|