 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 05 August 2024 |
| |
|
Kulang ang himala ng tinapay kung walang himala ng puso. Hindi lang tinapay ang pinarami ng kagandahang-loob ng Diyos. Dumami rin ang nagmagandang-loob. Tunay na nakakahawa ang pagkamapagbigay.
Huwag nating iisiping kaunti lang ang kaya nating ibahagi. Kahit lilima ang tinapay at dadalawa ang isda, dadami ito kapag dinala kay Hesus. Siya ang magpaparami ng kaunting mayroon tayo. At lalabis pa.
*Lunes sa Ikalabing walong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|