Share the Thought by Msgr. Andro
07 August 2024
 
Totoo pa rin ang kasabihang, "Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang." Sa ebanghelyo, ang babaeng Cananea ay "nasugatan" dahil sa simula ay tila hindi siya pinapansin ni Jesus. Higit pa siyang "nasugatan" nang insultuhin siya at tawaging "tuta." Lalo naman lumakas ang kanyang-loob na "kulitin" ang Panginoon. Magpasalamat tayo sa mga pasakit at pagsubok. Ibayong tapang ang dulot nito sa atin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN