Share the Thought by Msgr. Andro
09 August 2024
 
Kalimitang itinatanong, "Ano ang mapapala ko d'yan?" Para bang may sagot agad, "Ay di wala!" Ganoon ang diwa ng ebanghelyo sa araw na ito. Si Jesus mismo ang nagsabi, "Ano ang mapapala ng tao makamtam man niya ang buong daigdig...?" Ay di wala. Mapapahamak lang ang kanyang buhay pangkaluluwa. Bakit ang pangarap ay yumaman? Ano ang mapapala sa kayamanang makalupa? Langit ang pangarapin. Tiyak na may mapapala.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN