 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 11 August 2024 |
| |
|
|
Kailan kaya magkakaroon sa Quezon Province ng tindahan ng tinapay na kung tawagin ay Breadtalk? Hindi bale. Ang "Tinapay" sa ebanghelyo ngayon ay "nagsasalita" rin. Anu-ano ang mensahe? UNA, tunay na galing sa langit ang Tinapay na walang iba kundi si Jesus. Kapag galing sa lupa, ang karaniwang tinapay ay aamaging tinapay pa rin. Ang konsagradong ostia ay nagiging Katawan ni Cristo. IKALAWA, laman ni Jesus [sa Griego ay “sarx” ] ang alay niya. Ibig sabihin ay “buong sarili.” IKATLO, ibang buhay ang hatid ng Tinapay--pangkaluluwa. Galing sa langit, abot sa langit. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|