Share the Thought by Msgr. Andro
13 August 2024
 
Hindi ba "kabaliwan" 'yon? Iiwan ang 99 para lamang sa isa? Paano kung mapahamak ang 99 na tupa habang hinahanap ang isang naligaw? [Hindi naman mangyayari 'yon dahil may iba pang mga pastol na mangangalaga]. Ang punto ng talinhaga ay kalinga sa nawawala. Kahit isa lang, kahit hamak, kahit walang kwenta ay hahanapin. Parang walang halaga pero minamahalaga. Makasalanan tayo? Ah, espesyal tayo kay Jesus. Mag-aabala sya para hanapin tayo.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN