 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 18 August 2024 |
| |
|
Hindi sapat na sabihin na "si Hesus ay naroon" sa tinapay at alak sa sandali ng konsagrasyon. Sa halip, "si Hesus mismo" ang pagkain na ating tinatanggap sa komunyon. At dahil kaisang-buhay na tayo ni Hesus, nakakaisang-buhay na rin natin ang ating kapwa na tumanggap sa iisang Katawan.
Kung kinikilala natin ang presensya ni Hesus sa eukaristiya, dapat din nating makita ang kanyang presensya sa katauhan ng ating kapwa, lalo na ng mga nangangailangan.
Ang turo ng Katesismo [CCC, 1397]: "The Eucharist commits us to the poor. To receive in truth the Body and Blood of Christ given up for us, we must recognize Christ in the poorest."
Sabi ni San Juan Crisostomo: “Do you wish to honour the body of Christ? Do not ignore him when he is naked. Do not pay him homage in the temple clad in silk, only then to neglect him outside where he is cold and ill-clad.
*Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|