 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 19 August 2024 |
| |
|
|
"Luma na 'yan! Ang gusto ko'y bago." Luma na raw ang mga utos ng Diyos. Alam na alam na 'yon ng lahat. Ano ang bago? Sumagot si Jesus -- Ipagbili raw ang ari-arian, ibigay sa mga dukha at saka sumunod sa kanya. Ah, bago nga ito sa nagtanong na mayaman. Naghahanap siya ng bago, di naman niya kayang yakapin. Ayon, umalis siyang malungkot. Ang totoo'y wala namang bago ukol sa kabutihan. Alam na natin lahat. Hindi lang natin ginagawa. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|