Share the Thought by Msgr. Andro
23 August 2024
 
Magkatulad lang naman ang dalawang pag-ibig -- sa Diyos at sa kapwa. Sa Ingles ay "like" at sa Griego ay "homoia." Magkaiba man ang pinaghanguan (Dt. 6:5 at Lev. 19:18), iisa pa rin ang panawagan -- ang buong pusong pag-aalay ng sarili at ng buhay para sa minanamahal. Ang tindi ng pag-ibig para sa Diyos ay kailangan din sa kapwa. Parehong may sakripisyo at paglimot sa sarili. Nagsasanga lamang ngunit iisa ang pinag-uugatan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN