Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
25 August 2024
 
May ekspresyon sa wikang Ingles na "crossing the Rubicon." Tumutukoy ito sa paggawa ng isang mahalaga at pinal na desisyon. Wala nang urungan. Ito ay pagtahak sa isang landas na di na mababago.

Ang pagiging Kristiyano ay isang "pagtawid sa Rubicon." Ito ay isang pasyang panghabang-buhay. Wala nang bawian. Sa pagsunod kay Hesus, walang puwang ang pag-aalinlangan at pagkasalawahan.

Sabi ng isang awit: "I have decided to follow Jesus... no turning back, no turning back."

*Ikadalawampu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN