Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
26 August 2024
 
Ang kahulugan ng salitang 'pharisaical' ay 'mapagpaimbabaw.' Kaugnay ito ng salitang 'hipokrito' na sa wikang Griego, ang kahulugan ay 'aktor' o 'stage player.' Ang aktor ay gumaganap ng papel na hindi sumasalamin sa kanyang tunay na pagkatao. Umaarte lang siya ayon sa hinihingi ng script.

Hindi dapat ganito ang ating pagka-Kristiyano. Higit pa sa mga panlabas na seremonyas ang pagiging Katoliko. Ang pagiging banal o relihiyoso ay nakikita sa uri ng pamumuhay. Ang tamang aral ay dapat mahayag sa tamang asal. Ang taimtim na dasal ay dapat tambalan ng pagtulong at pagdamay.

Lunes sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN