 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 31 August 2024 |
| |
|
|
Sana'y tumubo man lamang. Sayang ang puhunan kapag walang pakinabang. Sa talinhaga ay pinuri ang katiwalang nagsulit ng tinubo. Pinanghinayangan ang tamad na katiwalang hindi nagsumikap. Lahat naman tayo ay tumanggap mula sa Diyos. Tungkulin nating paunlarin at pagyamanin ito. Ibalik natin sa Panginoon ang puhunang may tinubo. Kahiya-hiya kapag ganoon pa rin ang ating isusulit. Sasabihan tayong tamad at walang silbi. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|