 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 31 August 2024 |
| |
|
Malaki ang pinuhunan ng Diyos sa bawat isa. Hindi pwede sa kanya ang 'pwede na.' Anumang kaloob na tinanggap natin ay dapat linangin. Marami man o kaunti ang ating tinanggap, dapat pa ring ipagpasalamat at pagyamanin.
Ang katamaran ay hindi lang ang pag-iwas sa gawa. Ito rin ay kawalan ng pagkukusa. Kung may pagkukusa, tutuklasin natin sa mapanlikhang paraan ang mga posibilidad para mapaunlad ang sarili nang higit kaysa dati.
*Sabado sa Ikadalawampu't isang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|