 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 01 September 2024 |
| |
|
Ang maitim at maduming mga ilog ay salamin ng budhi ng ating pamayanan. Ang napapatag na mga bundok at nakakalbong kagubatan ay repleksyon ng ating kasalanang panlipunan. Nasasalamin sa labas ang ating niloloob. Ang kasakimang sanhi na pagkawasak ng kalikasan ay bumubukal sa mula kaibuturan ng puso ng tao.
Ang pagiging maka-Diyos ay nakikita hindi lamang sa pagluhod, kundi sa pagkilos; hindi lamang sa pagsamba kundi sa aktibong pagtataguyod ng katarungan.
Ngayong #SeasonOfCreation, pagnilayan natin kung ang atin bang pagka-Kristiyano ay tunay o pawang paimbabaw lamang. Ang atin bang dasal ay natatambalan ng makasakit at paglingap?
*Ikadalawampu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|