Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
05 September 2024
 
Ang misyon ay paglisan sa 'safe side' upang tahakin ang mahirap pero mabungang larangan ng paglilingkod. Sa 'laot' ng pagkikisangkot, kailangang isuko natin ang kinamihasnang aliw at alwan ng buhay.

Hindi totoong madami ang mga "taong Simbahan." Ang pawang nakikita lang natin sa 'sentro' ay ang mga "isda sa pampang." Higit na marami pa ang nasa 'laot.' Sila man ay nananabik ding mapasama sa lambat ng Panginoon.

*Huwebes sa Ikadalawampu't dalawang Linggo ng Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN