Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
08 September 2024
 
Maraming uri ng pagkabingi ang humahadlang sa atin para marinig ang Diyos. Nakabibingi ang dami ng pinagkakaabalahan ng tao sa araw-araw.

Nakakahawa ang pagbibingi-bingihan ng ilan sa mga usaping panlipunan at pangkalikasan. Nawawalan na ng kakayahan ang ating pusong dinggin ang “panaghoy ng mga dukha at ng kalikasan.”

Hingin natin ang biyaya na mabuksan hindi lang ang ating mga tainga, kundi ang pandinig ng ating puso. Mabuksan din nawa ang ating mga kamay upang malayang tumanggap at magbahagi. Ephphatha!

*Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN