 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 09 September 2024 |
| |
|
Hindi ang dami ng naisilid natin sa isip, kundi ang kabutihang ipinunla natin sa puso, ang sukatan ng dunong. Ang mga pariseo ay itinuturing na eksperto sa batas at mga bagay ng relihiyon. Pero naging sarado ang kanilang isip sa katotohanan. Ang katapatan ay katambal ng karunungan. Ang taong may dunong ay gumagamit ng puso at hindi lang ng isip. Ang kaalaman na walang kahalong paglingap ay nauuwi sa kapalaluan. *Lunes sa Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|